I was born to inspire and be inspired :)

I was born to make someone happy! Why I'm still breathing and waking up every morning, Why I still tolerate everyday adventure, Why I Smile,giggle and made fun of little things... You may not be here with me right now but I know our roads will cross over! :)

April 27, 2012 1:18 pm

bat ganon?

pag naririnig ko boses mo imbes na kiligin ako naiirita nako..

March 27, 2012 2:12 pm

PDA as in.. haha

nagre receive ako ng pt. from DR ng ma distract ako well kami nung taga DR na nageendorse tsaka si khana bebs din haha.. ganon na lamang ang palitan namin ng mga tingin. “Nakakapasmile”. Umiiyak kc yung girl habang andun sa wheelchair, ang ginawa ni guy kiniss si mrs. sa noo, sa 2 cheeks tsaka sa lips.. haha sweet. :) shocked ang nurse na nagrereceive “ako yun” haha (hitsura ng girl= matangkad, mahaba hair, parang naturally pinkish ang cheeks, sobrang mistisa parang ako lang haha) (hitsura ng boy= pogi, matangkad din) madaling salita ang tanong bakit sila nasa OB WARD? sayang ang beauty nila haha. ayun magpapa pay naman pala wala lang vacant dun. Pero tiis muna sila sa Charity ward hehe.

Naimagine ko kc kung katulad sila ng pangkaraniwan naming parokyano.. “I have nothing against physical appearance hindi ako manlalait ng hitsura ang akin lang yung hygiene” (girl= hindi na nasuklay ang hair, yung nails ang itim hindi manlang napagkaabalahang putulan, amoy peks, putok at halohalo na haaayy) (boy= same yung nails ang itim at haba pa, amoy langka mas matindi pa kay girl, at ang breath haayyyy lagi namang nasa harap ng station at may tinatanong. Magtatagal pa at nakikipagtalo pa sa nurse susko tumalsik na sa mukha mo lahat ng kabanguhan at virus. Pag sila kaya nagPPDA sa harap ko ano kayang magiging reaction ko TAKTE hahahahahahahahahahaha… kayo na! hahahahaha

March 6, 2012 8:03 am
spoliarium98: 20120304 Sarah G. Live

spoliarium98:

Lahat po tayo naghihintay ng one true love.

Sino ba naman ang ayaw mahalin at magmahal. yun bang nagbibigay ng ngiti sayo sa bawat paggising mo sa umaga. Sa bawat ”good morning” , ”kumain ka na ba?” , ”kumusta ang araw mo” , ”ok ka lang ba” at ”good night” , ”sweat dreams” .

pero wala talagang…

7:58 am

uberrrr akong kinikilig dito… haay…. :) pagkaduty ko kinabukasan sa hosp ito agad ang kwento. parang gusto kong maging member ng ashrald hahahaha…

March 4, 2012 5:56 am

pinapahamak ng pagbublush… :)

Ako ang pinaka outspoken at friendly na taong makikilala mo pero alam mo ba na sobrang hiyain ko… Madaldal, makulit at sobrang maboka with girl friends pero sa mga guys di ako ganon. Isa lang ang taong kung ano ang pagkakakilala saken ng girl friends ko ganon din siya mas malalim pa. Actually nagiisa ko siyang kaibigan na guy..bestbuddy ko yun! well hindi na ngayon at ayaw ko naring alalahanin.. hehe bitter parin. Ganon talaga siguro hindi na ko galit pero ayaw ko narin makipagplastikan sa kanya at makipagkumustahan… Nagkikita kami walang pansinan. Hindi siya nagsasalita saken kaya yun wala rin akong maprocess na words sa utak ko. Dapat ba ako ang mageffort na kausapin siya ng normal? Sa pagkakaalam ko siya ang may kasalanan… haaay nasingit na naman siya dito hindi naman siya ang ikkwento ko. :)

I’m not comfortable with guys… totoo yun! hindi ko alam kung bakit. Abnormal nga ata ako haha. Meron din akong weird emotions na kapag may niloloko saken na guy kahit hindi ko naman siya crush o wala naman akong feelings para sa kanya basta tinukso ako nagbublush ako.. hehe. Kakahiya tuloy pag may binibiro saken kahit na sino pa automatic nagbublush ako.. Haay naku parang nung minsan duty ng am shift. Kausap ko ata non si mam or may kausap akong S.O basta may ginagawa ako. Hindi ko alam meron palang taga PACU na nasa harapan ko at nagiintay na ireceive ko ang dala nyang pasyente.. Unaware talaga ako sa presence nya kaya hindi ko siya pinapansin.. tuloy tuloy ako sa pagsasalita ng biglang malaglagan ako ng 2 dumulas na chart sa kaliwang paa.. OUCH!!! sobrang sakit talaga. Nun ako naging aware na may tao pala sa harap ko na parang kanina pa nagiintay. Biglang nagsalita si mam Gi. “Uy ako na magrereceive akin na, Ay parang ayaw mo naman saken kay Aira ka kc nakatingin siya iniintay mong magreceive” ” gusto daw single yung magrereceive”Ako: ha? ikaw na mam gi sakit ng paa ko sabay punta sa likod.. trulyli ang sakit talaga ng paa ko. Ng biglang magkantsawan na “Uy si Aira” As in lahat nangaasar nakakaloko mga face hehehe… ayun super nagblush nako nakakahiya kc. Ako: “nakakaasar kayo, kayo talaga” sabay hawak sa namumulang tenga haha. Siguro akala ng lalaking yun crush ko talaga siya hahaha… Bahala siya kung yun iniisip nya. Pampadagdag din yun sa self steem nya hahaha… :)

February 7, 2012 12:58 pm

Dear Lord…

Nawalan na naman po ako ng isang bagay na mahalaga sa akin. Hindi ko po alam kung gipit lang siya o talagang may sakit po siya, pero diba kasalanang kumuha ng gamit ng may gamit? Tanggap ko na po habang sinusulat ko to na nawala na saken ang bagay na yun pero siguradong magagalit ang nanay kapag nalaman nyang nawalan na naman ako. Siya ang nagbigay sa akin noon at pinahahalagahan ko yun. Lord sana po makunsensya ang kumuha at maisip nyang mali ang kanyang nagawa. Kahit po palihim nyang ibalik saken ok lang basta sana malinawan ang kanayang puso sa kanyang maling nagawa. Sana sa pagpikit ng kanyang mata maisip nya na may isang taong nagpapahalaga sa gamit nayon… Lord bulungan nyo naman siya ngayong gabi sabihin nyo po isoli na saken please!!! Kung pangangailangan ang dahilan ibulong nyo po sa kanya na hindi ang pagkuha ng gamit ng iba ang tamang paraan. Kung sakit naman po pagalingin nyo po sana siya upang magliwanag ang kanyang puso at isip…

KAYO NA PO ANG BAHALA… AMEN.

February 1, 2012 9:01 pm
Lord kung siya na yon give me a sign…pls!

Lord kung siya na yon give me a sign…pls!

January 30, 2012 5:39 am January 22, 2012 11:31 pm

soooooooooo cute:)

11:24 am

Wa pakels… haha

Kung takas ka wa pakels ako hehe..

Habang kumakain sa pantry…

memo na talaga yung mga hindi nagsusubmit ng IR, sinabi ng 48 hours lang. pinapipirmahan ko na nga kay mam ***… yung memo, hindi palang napipirmahan. Kayo talaga.

AKO: tuloy sa pagkain walang reaction hehe patay mali…

wala kc akong masabi guilty haha…